Wednesday, January 25, 2012

KAPALIT SA MADALING ARAW


May mga bagay na sadyang di nakalaan para sa isang tao. 

May mga taong hindi nakalaan para sa isang bagay.
May mga bagay na hindi rin laan sa isa pang bagay.
At syempre may mga taong sadyang hindi talaga para sa isa't-isa, kahit ano pang pilit mo at nila.

"Naisip ko bakit may mga tao na sadyang mabait sayo kapag may kailangan sila, tapos pag nakuha na nila ang mga gusto nila wala na, di ka na nila kilala."



Yan ang mga salitang walang kupas, normal na yan para sakin, ilan na sa mga kaibigan ko ang ganyan, nang gaganyan, at ginanyan. 

Aminin na natin sa ating mga sarili na kung tutuusin ay normal na yan sa tao, ano pa nga bang magagawa natin? Eh, ganyan na sila eh. Konsensya na nila yun, sila yun eh, kahit anong sabihin natin di naman sila magbabago para sa mga tao sa paligid nila eh. Ginusto nila yun para sa mga sarili nila. Kung meron mang mga kayang magbago para sa ibang tao, malamang sa malamang konti lang, syempre karamihan praktikal na, gamitin mo ko at gagamitin din kita. Mag-gamitan tayo. Oha? Uso kaya yan, sabi nga ng karamihan Trending. 


  • Sa panahon ngayon bihira na lang ang mga bagay na walang kapalit, kung naging mabait sayo ang kaklase mo dahil binigyan ka nya ng papel dahil may quiz kayo ang normal na kapalit nun ay papakopyahin mo sya sa quiz nyo.



  • Kapag binigyan ka ng pagkaen sa break-time nyo malamang bibigyan mo din sya ng pagkaen sa susunod na break-time nyo.


  • Kapag pinautang kanya ng piso pambili ng yosi, ang kapalit nito papahiramin mo sya ng lighter para may kasama ka magyosi.


  • May kakilala ako na ang girlfriend nya ay ex-girlfriend ng bestfriend nya, nagaway sila kasi parang sulutan ang nangyari pero naisip nila na sayang ang friendship nila at mas importante yun kaya natanggap nila sa isa't-isa kaya ngayon nagkapalit sila ng girlfriend at mukhang oakay lang din naman sa mga girlfriend nila ang ganun set-up.


  • May isa pa kong kakilala (oo alam ko ikaw rin may isa ka pang kakilala, pero wala yang dito sa kakilala ko)  lalaki may usapan sila ng kaibigan nyang babae na magexchange gift sa Christmas party nila, pagdating ng party nakalimutan ni babae yung regalo nya para kay lalaki, sinabi ngyon ni babae kay lalaki. Sabi ni lalaki Ganun ba? Sige, di ko na lang ibibigay yung regalo ko sayo, wala ka namang dalang regalo para sa akin. (O diba? hindi gentleman si lalaki, may point nga naman nya exchange gift naman nga kasi pero utang na loob kung ako yung lalaki ibibigay ko pa rin yun!)


  • Ito last na isa ko pang kakilala, (oo madami talaga akong kakilala, friendly kasi ako eh) nagnenetworking sya humingi sya ng tulong sa mga kaibigan nya na kung maari ay makinig sa presentation ng business nya, dahil kaibigan mahirap humindi at suporta na rin, usapan na na walang pilitan kaya okay sa lahat makikinig lang naman eh, di naman sasali sabi ng ibang kaibigan. Pagkatapos ng presentation oaky na uwian na kinabukasan kinukulit na silang mga nakinig sa presentation kung sasali ba o hindi, hanggang umabot sa sumama na ang loob ng nagnenetworking na kibigan dahil sa hindi pagsali ng mga kaibigan nito na kung tutuusin ay hindi naman talaga dapat kasi nga walang pilitan, kung ayaw ayaw. Parang ang nangyayari tuloy pinagpapalit na ang pagkakaibigan sa business, pero sabi naman ni networking friend hindi ko kayo pinipilit pero parang ganun kasi. pero buti na lang nagkaayos na sila. pero ang kapalit ng nangyari parang lumayo na yung loob nila sa isa't-isa na hindi pero parang.


Kung tutuusin sobrang dami ng bagay na pwedeng ilagay dito. Mauubos lang oras mo kakabasa pero makakarelate ka talaga, yun nga lang medyo umaga na kasi kaya kailangan kong tapusin agad tong blog ko para naman sa susunod gagana pa ulit ang utak ko, baka kasi wala nang maiproduce kakapuyat ko eh.

Kaya eto na tinatapos ko na ang blog ko.