Wednesday, June 1, 2011

SI NA ING



Paano nga ba magsaing ng tama??

Nung bata pa ko mga grade 1 siguro inutusan ako ng tatay ko magsaing.

Dad: Nak, magsaing ka.

Ako: Eh, di naman ako marunong magsaing ng kanin eh.. (nakasimangot)

D: di naman kanin ang sinasaing eh, bigas.

A: huh? (sabay kamot sa ulo)

D: bigas ang tawag kapag di pa naluto, kapag luto na kanin na ang tawag (di ko masyadong sigurado kung ito ng yung eksanktong sinabi ni daddy sa akin)

A: ay! ganun pala yun.. Eh pano ba magsaing?

D: ganito

1. kunin ang kaldero at takalan ng bigas, depende ang dami sa kakain

2. lagyan mo ng tubig

3. hugasan ng 3 beses

4. pagtapos hugasan lagyan ng tubig para maging sabaw ng bigas para maluto

5. sukatin ng kamay ang dami ng bigas para malaman kung gaano karami ang tubig na ilalagay, kung gaano karami yung bigas ganun din dapat karami ang dami ng tubig

6. kapag nasukat na, ilagay sa kalan, buksan ang kalan, takpan ang kaldero tapos ipunta sa medium ang lakas ng apoy

7. kapag kumulo na, taggalin ang takip ng kaldero at hayaan itong kumulo

8. kapag tuyo na yung tubig, hinaan ang apoy at saka takpan, ini-inin na ang sinaing

9. para malaman kung luto na obserbahan mo yung sinaing, kapag malaki na ung kanin at malambot na ibig sabihin luto na.

10. patayin na ang kalan pagkaluto at siguraduhing nakasara ang gas.

A: ay ganun lang pala!!!

Mula noon gusto ko nang magsaing palagi, ang kaso lang di ko alam magsaing kapag rice cooker ang gamit hahah!!

Kailan lang nalaman ko na mas mabilis mamaluto ang sinaing kapag ibababad mo muna ng 20 mins. sa tubig ang bigas bago iluto.

Sinubukan ko, oo nga! Mabilis nga pwede rin lagyan ng pagdan bago iluto para mabago na, mas masarap pa!!










2 comments: