Wednesday, January 25, 2012

KAPALIT SA MADALING ARAW


May mga bagay na sadyang di nakalaan para sa isang tao. 

May mga taong hindi nakalaan para sa isang bagay.
May mga bagay na hindi rin laan sa isa pang bagay.
At syempre may mga taong sadyang hindi talaga para sa isa't-isa, kahit ano pang pilit mo at nila.

"Naisip ko bakit may mga tao na sadyang mabait sayo kapag may kailangan sila, tapos pag nakuha na nila ang mga gusto nila wala na, di ka na nila kilala."



Yan ang mga salitang walang kupas, normal na yan para sakin, ilan na sa mga kaibigan ko ang ganyan, nang gaganyan, at ginanyan. 

Aminin na natin sa ating mga sarili na kung tutuusin ay normal na yan sa tao, ano pa nga bang magagawa natin? Eh, ganyan na sila eh. Konsensya na nila yun, sila yun eh, kahit anong sabihin natin di naman sila magbabago para sa mga tao sa paligid nila eh. Ginusto nila yun para sa mga sarili nila. Kung meron mang mga kayang magbago para sa ibang tao, malamang sa malamang konti lang, syempre karamihan praktikal na, gamitin mo ko at gagamitin din kita. Mag-gamitan tayo. Oha? Uso kaya yan, sabi nga ng karamihan Trending. 


  • Sa panahon ngayon bihira na lang ang mga bagay na walang kapalit, kung naging mabait sayo ang kaklase mo dahil binigyan ka nya ng papel dahil may quiz kayo ang normal na kapalit nun ay papakopyahin mo sya sa quiz nyo.



  • Kapag binigyan ka ng pagkaen sa break-time nyo malamang bibigyan mo din sya ng pagkaen sa susunod na break-time nyo.


  • Kapag pinautang kanya ng piso pambili ng yosi, ang kapalit nito papahiramin mo sya ng lighter para may kasama ka magyosi.


  • May kakilala ako na ang girlfriend nya ay ex-girlfriend ng bestfriend nya, nagaway sila kasi parang sulutan ang nangyari pero naisip nila na sayang ang friendship nila at mas importante yun kaya natanggap nila sa isa't-isa kaya ngayon nagkapalit sila ng girlfriend at mukhang oakay lang din naman sa mga girlfriend nila ang ganun set-up.


  • May isa pa kong kakilala (oo alam ko ikaw rin may isa ka pang kakilala, pero wala yang dito sa kakilala ko)  lalaki may usapan sila ng kaibigan nyang babae na magexchange gift sa Christmas party nila, pagdating ng party nakalimutan ni babae yung regalo nya para kay lalaki, sinabi ngyon ni babae kay lalaki. Sabi ni lalaki Ganun ba? Sige, di ko na lang ibibigay yung regalo ko sayo, wala ka namang dalang regalo para sa akin. (O diba? hindi gentleman si lalaki, may point nga naman nya exchange gift naman nga kasi pero utang na loob kung ako yung lalaki ibibigay ko pa rin yun!)


  • Ito last na isa ko pang kakilala, (oo madami talaga akong kakilala, friendly kasi ako eh) nagnenetworking sya humingi sya ng tulong sa mga kaibigan nya na kung maari ay makinig sa presentation ng business nya, dahil kaibigan mahirap humindi at suporta na rin, usapan na na walang pilitan kaya okay sa lahat makikinig lang naman eh, di naman sasali sabi ng ibang kaibigan. Pagkatapos ng presentation oaky na uwian na kinabukasan kinukulit na silang mga nakinig sa presentation kung sasali ba o hindi, hanggang umabot sa sumama na ang loob ng nagnenetworking na kibigan dahil sa hindi pagsali ng mga kaibigan nito na kung tutuusin ay hindi naman talaga dapat kasi nga walang pilitan, kung ayaw ayaw. Parang ang nangyayari tuloy pinagpapalit na ang pagkakaibigan sa business, pero sabi naman ni networking friend hindi ko kayo pinipilit pero parang ganun kasi. pero buti na lang nagkaayos na sila. pero ang kapalit ng nangyari parang lumayo na yung loob nila sa isa't-isa na hindi pero parang.


Kung tutuusin sobrang dami ng bagay na pwedeng ilagay dito. Mauubos lang oras mo kakabasa pero makakarelate ka talaga, yun nga lang medyo umaga na kasi kaya kailangan kong tapusin agad tong blog ko para naman sa susunod gagana pa ulit ang utak ko, baka kasi wala nang maiproduce kakapuyat ko eh.

Kaya eto na tinatapos ko na ang blog ko.








Tuesday, October 4, 2011

Tara, TAGAY!!

September 27, 2011, Tuesday nang bisitahin ni pareng Pedring ang Plipinas. Umabot sa signal no. 2 and buong kamaynilaan. Di inakala ng marami na may kakaibang lupit pala ang bagyong ito. 


Nasira lang naman nya ang seawall ng manila bay, 
umapaw ang dagat umabot sa kalsada,
lubog sa baha ang maynila,

http://www.youtube.com/watch?v=6GAbBV0ALeY
pati Luneta nga daw parang ilog eh.

isama mo pa ang ilang mga hotel sa Maynila na binaha ang lobby.


Ito ang  itchura ng SOFITEL, sabi ng kaibigan ko na ang tita ay nagtatarabaho sa nasabing hotel 2 weeks daw walang pasok para malimas ng maigi ang tubig baha at malinis ng maigi ang buong hotel..




Ilang mga puno rin ang nagbagsakan sa kalsada,
sumabit sa kable ng kuryente nanaging dahilan ng brownout sa ilang mga lungsod.




Ilang mga pamilya din ang nagswimming sa dagat ng baha at basura makaligtas lang.




Ilang mga tao din ang nabadtrip kasi natuloy ang kanilang mga date.


Ilang mga studyante rin ang nagpuyat marinig lang ang pinaka aasam-asam nilang anunsyo na walang pasok ang lahat ng antas sa NCR.


May mga ilan naman nainis kasi kung kelan nakaligo na sila at ready para sumugod sa baha ay tinext sila ng kanilang mga professor na wag na kayong pumasok.


Ilang mga kalapit na probinsya naman ang lumubog ng bonggang bongga lalo na ang Bulacan, kung saan solid ang baha kasi may kasamang alon.


Kung anmg mga naunang nabasa mo ay puro reklamo, itong susunod ay hindi bakit? Kasi..


Ilang mga tambay ang natuwa kasi isang malupit at kakaibang session nanaman ang trip nila ngayong andito ang kanilang prendly kapit bahay na si Pedring..


Katulad na lang ng mga magttropang ito..






Ano kaya kung ang tinatagay ng mga Pinoy ay tubig baha? 


Siguro wala nang problema bawat lugar na binaha, di na nila aalalahanin kung kelan huhupa ang baha sa kanilang lugar.


Ayos diba? May pakinabang na ang mga sunog baga sa kanto, riles, timdahan, garahe, rooftop, kalsada, graden, bar, beer house, tree house at kung saan pa may sunog baga.

Tuesday, August 16, 2011

PINOY TALAGA


Nakita ko lang to sa FB habang nagsstalk sa mga status ng aking mga kaibigan.
Daming repost eh..
Naisip ko nga rin na irepost sa ngalan ng panggagaya pero napaisip..

"Kung irerepost ko ba to anong mapapala ko??"
"Parang mas maganda ata kung gawan ko ng blog, medyo matagal tagal na rin mula nung huli akong magpost sa aking account."

Kaya eto na nga.. Eto yung usong status sa FB..

PH Dragonboat team (2011) : 5 Golds, 0 commercials, 90% Pinoy

PH Azkals: 0 Golds, 0 trophies, 5 TV ads, 20% Pinoy

Sasagwan ka ba sa KARANGALAN o sisipa sa PAPOGIAN?





VS




PINOY TALAGA hindi ba pwedeng maging proud na lang tayo sa pareho??

Wala nang pero pero??

Kahit anong mangyari pinoy pa rin naman sila at tayo, nagkataon nga lang na mas malaki ang porsyento ng pagka pinoy ng isang grupo sa isa, ngunit pagbalibaligtarin man ang mundo pinoy din sila..

Naintindihan ko na gusto nyo lamang sabihin sa mga tao na bigyan din naman naten ng pansin ang isa dahil may karangalan silang naibahagi sa ating bansa, pero sa tingin ko hindi naman siguro tama na manggamit tayo o ibaba ang isa para lang maibigay ang simpatya na gustong ibigay sa isa pa..

Hindi ako ultimate fan ng Azkals o PH Dragonboat Team, hindi rin naman ako hater ng dalawang grupo..

Nais ko lang naman na ibahagi ang opinyon ko bilang isang Pilipino.


:D

Wednesday, June 1, 2011

SI NA ING



Paano nga ba magsaing ng tama??

Nung bata pa ko mga grade 1 siguro inutusan ako ng tatay ko magsaing.

Dad: Nak, magsaing ka.

Ako: Eh, di naman ako marunong magsaing ng kanin eh.. (nakasimangot)

D: di naman kanin ang sinasaing eh, bigas.

A: huh? (sabay kamot sa ulo)

D: bigas ang tawag kapag di pa naluto, kapag luto na kanin na ang tawag (di ko masyadong sigurado kung ito ng yung eksanktong sinabi ni daddy sa akin)

A: ay! ganun pala yun.. Eh pano ba magsaing?

D: ganito

1. kunin ang kaldero at takalan ng bigas, depende ang dami sa kakain

2. lagyan mo ng tubig

3. hugasan ng 3 beses

4. pagtapos hugasan lagyan ng tubig para maging sabaw ng bigas para maluto

5. sukatin ng kamay ang dami ng bigas para malaman kung gaano karami ang tubig na ilalagay, kung gaano karami yung bigas ganun din dapat karami ang dami ng tubig

6. kapag nasukat na, ilagay sa kalan, buksan ang kalan, takpan ang kaldero tapos ipunta sa medium ang lakas ng apoy

7. kapag kumulo na, taggalin ang takip ng kaldero at hayaan itong kumulo

8. kapag tuyo na yung tubig, hinaan ang apoy at saka takpan, ini-inin na ang sinaing

9. para malaman kung luto na obserbahan mo yung sinaing, kapag malaki na ung kanin at malambot na ibig sabihin luto na.

10. patayin na ang kalan pagkaluto at siguraduhing nakasara ang gas.

A: ay ganun lang pala!!!

Mula noon gusto ko nang magsaing palagi, ang kaso lang di ko alam magsaing kapag rice cooker ang gamit hahah!!

Kailan lang nalaman ko na mas mabilis mamaluto ang sinaing kapag ibababad mo muna ng 20 mins. sa tubig ang bigas bago iluto.

Sinubukan ko, oo nga! Mabilis nga pwede rin lagyan ng pagdan bago iluto para mabago na, mas masarap pa!!










Monday, January 17, 2011

ASTIG!


Pers tym ko magblog..

Dati pa lang fan nyo na ako
Kahit di talaga ikaw ang tinitilian ko
Tapos nung nakita ko kayo sa tv naging crush ko pa vocalist nyo
Ikaw, medyo..

Nung mga panahon na nag-uumpisa pa lang kayo, bet ko na ang himig ng tugtugan nyo
Tapos nun, napatunayan kong abot langit ang pag-hanga ko sa grupo

Nung unang araw ko kayong nakita ng personal sa isang "Silent Rally" na pakana ng mga kapartido ng isang senador na ngayon ay presidente na ng Pinas sa Makati Ave., Grrrabe! natuwa talaga ako ng bongga.

SObra talaga ang pasasalmant ko kay Bro nung mga panahon na yun kasi nga nakita ko kayo.. Nakita ko ang bokalista nyo at nakita rin kita, nagpakuha pa ng kami ng picure kasama nyo e, tapos nun balik pantsya nanaman ako. Crush na nga rin kita nun eh :D

Tapos eto na. ayan na ang landas naten muling nagkrus pero sa pagkakataong ito mas malapit na ako sayo. Nung una dead mother dead all (deadma) lang ako sa inyo syempre kasi wala pa talaga kayo nun, yung drummer at yung nagb-base pa lang ang andun nung mga oras na yun.

Lumipas ang ilang oras dumating na kayo, grabe natuwa talag ako nung mga pagkakataon na yun tapos maya maya pa biglang lumabas ang bokalista nyo tinabihan ako, tapos ako naman sobrang di ko alam ang gagawin kaya nanahimik na lang ako at hinayaan na tabihan ako ng bokalista nyo, tapos sumunod naman na lumabas ay ikaw.

Nung kayo na ang sumalang sa emtablado una wala lang sa akin tapos maya maya sinabi ko sa sarili ko na "Hoy ano ka ba? Kailanagn mo ienjoy to, sayang ang 500 pesos na pinambayad mo sa ticket." Umalis ako sa pwesto ko at dumayo sa kabilang dulo ng entablado. Doon ko naislayan ang maganda mong mata, ewan ko madilim nung mga oras na yun kasi concert nga pero mata mo agad ang napansin ko.

At doon bumongga ang paghangga ko sayo.

-Ang saloobin ng ambisyosang FAN...

Wala naman masamang magarap, libre naman kaya lubusin mo no :D

Kailan kaya kita muling masisilayan??

♥♥♥